Tuesday, May 13, 2008

nosebleed

second semester ko sa pinakamamahal kong The National Teachers College...

ang mga sumusunod ay ang mga naging nosebleed subject ko:

speech and oral communication
philippine literature in english
developmental reading
english and american literature
introduction to linguistics

dugo! dugo! dugo!

para maikli, tawagin nating ET ang mga english teacher ko...

si ET1 ay mabait naman, kailangan lang nya kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. mabait talaga sya. sa tingin ko ay isa sya sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT.

si ET2 ay mukang plastik, sabi ng ilang mababait na NTCian, kamukha daw nya si Sunshine Dizon as Bakekang. naku, wag mo syang babatiin at ngiting Fulgoso lang ang ibibigay nya sayo!

si ET3 ay bagay na bagay sa subject nya, pwede na syang mag-organize ng pabasa tuwing mahal na araw. hindi ko sya masyadong nakilala kasi masyado syang tahimik. kahit nga kapag nagsasalita sya, tahimik pa rin.

si ET4 ang pinakamataas ang posisyon sa kanilang lima, sabi ng ilang mababait na NTCian, kamag-anak daw nya sina Ethel Booba, Angelica Jones at Alyssa Alano. disclaimer: hindi po talaga ako ang nagsabi nuon. pramis. narinig ko lang talaga.

si ET5 ang pinakamabait at pinakatotoo sa pagbibigay ng grade. marami akong kaklase sa subject nya na binigyan nya ng "F" pero ako ay naka "C" pa.
ang tsismis, gusto nya talaga akong mag-nosebleed major kaya hindi nya ako binagsak. isa din sya sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT.

oy tatlo na lang ang slot sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT!

pagkatapos ng semester na ito ay naisip ko na hindi talaga ako sa English kahit mahal na mahal ako ng ilang ET.

napaka-ironic nga..

tinalikuran ko ang nosebleed major
kahit mahal na mahal ako ng ilang mga ET

at isiniksik ko ang sarili ko sa mga mahilig... magbilang kahit

KAYA

NILA

AKONG

BURAHIN

SA

BUHAY

NILA.

may apat pa akong titser sa semester na ito... at isa sa kanila ang Most Outstanding Teacher. sino kaya sya?

itutuloy...

No comments: