Tuesday, May 27, 2008

the friendly devil

si NTCian Devil ay pakalatkalat lang sa friendster.com kaya pwede mo na syang maging kaibigan!





ntciandevil@gmail.com

Tuesday, May 20, 2008

most outstanding teacher

and the nominees are

- social philosophy 2 titser

(sya nanaman, ang titser ko sa social philosophy 1. ang madaming baitang sa katawan. mas madalas na ang pagsakit ng ulo nya kaya meron syang kakaibang solusyon dito.)

- human growth and development titser

(malapit sakin si bintana at lagi ko syang pinagmamasdan kaya naman nabiktima ako ng titser na ito. para-paraan kasi ang titser na ito, kapag boring na ang klase ay maghahanap sya ng pagagalitan at mahihinto na ang klase at hindi na nga naman sya magtuturo. bravo. 'yun ang tinatawag na SMB o "style mo bulok"!)

- educational technology titser

(hindi pa man sikat noon si Simon Cowell dito sa Pinas ay meron na itong pinoy counterpart. kapag pangit ang nagawa mo, tyak mas nanaisin mo na lang na magtanim ng kamote sa probinsya. pero may kabaitan din naman ang matandang ito na minsan ay binansagan namin ni kolboy na Dao Ming Go. para daw kasi itong Taiwanese kapag nagsasalita.)

- personality development a titser

(lahat ng subject ko ay MWF lang, pero dahil sa tatanga-tangang encoder ay nagkaroon ako ng isang TTh. ito iyon. at dahil sixty pesos ang pag-drop ng subject ay hindi ko ito drinap at hindi ko na lang din ito pinasukan kaya naman UW ako dito.)

and the winner is

nasa San Sebastian na daw ngayon. at mabait na daw ang titser na ito dahil kung hindi sya magpapakabait doon, lagot sya kay San Sebastian. bwahahaha. Santo lang pala ang katapat nya!

kung nagtataka ka kung ano ba ang basehan para maging Most Outstanding Teacher, ito ang titser na laging nakatayo sa labas ng klasrum. madami sila pero sya ang most, kasi most of the time ay nagpapalipas oras, naghahanap ng lalaki o nakikipagtsikahan sa mga baklang estudyante nya sa labas ng klasrum. minsan nga naawa ako dahil ang tagal nya ng nakatayo sa labas kaya dinalhan ko sya ng mauupuan.

itutuloy...

Tuesday, May 13, 2008

nosebleed

second semester ko sa pinakamamahal kong The National Teachers College...

ang mga sumusunod ay ang mga naging nosebleed subject ko:

speech and oral communication
philippine literature in english
developmental reading
english and american literature
introduction to linguistics

dugo! dugo! dugo!

para maikli, tawagin nating ET ang mga english teacher ko...

si ET1 ay mabait naman, kailangan lang nya kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina. mabait talaga sya. sa tingin ko ay isa sya sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT.

si ET2 ay mukang plastik, sabi ng ilang mababait na NTCian, kamukha daw nya si Sunshine Dizon as Bakekang. naku, wag mo syang babatiin at ngiting Fulgoso lang ang ibibigay nya sayo!

si ET3 ay bagay na bagay sa subject nya, pwede na syang mag-organize ng pabasa tuwing mahal na araw. hindi ko sya masyadong nakilala kasi masyado syang tahimik. kahit nga kapag nagsasalita sya, tahimik pa rin.

si ET4 ang pinakamataas ang posisyon sa kanilang lima, sabi ng ilang mababait na NTCian, kamag-anak daw nya sina Ethel Booba, Angelica Jones at Alyssa Alano. disclaimer: hindi po talaga ako ang nagsabi nuon. pramis. narinig ko lang talaga.

si ET5 ang pinakamabait at pinakatotoo sa pagbibigay ng grade. marami akong kaklase sa subject nya na binigyan nya ng "F" pero ako ay naka "C" pa.
ang tsismis, gusto nya talaga akong mag-nosebleed major kaya hindi nya ako binagsak. isa din sya sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT.

oy tatlo na lang ang slot sa LIMANG TAO SA NTC NA MAPUPUNTA SA LANGIT!

pagkatapos ng semester na ito ay naisip ko na hindi talaga ako sa English kahit mahal na mahal ako ng ilang ET.

napaka-ironic nga..

tinalikuran ko ang nosebleed major
kahit mahal na mahal ako ng ilang mga ET

at isiniksik ko ang sarili ko sa mga mahilig... magbilang kahit

KAYA

NILA

AKONG

BURAHIN

SA

BUHAY

NILA.

may apat pa akong titser sa semester na ito... at isa sa kanila ang Most Outstanding Teacher. sino kaya sya?

itutuloy...

Tuesday, May 6, 2008

interview with the devil

bago ko ikwento ang second semester ko sa The National Teachers College, narito muna ang interview sakin ni Boy Abunda...

boy: bakit mo sinisiraan ang NTC sa blog mo?
nd: napaka one-sided mo naman!

boy: bakit ako one-sided?
nd: inaakusahan mo kasi akong sinisiraan ko ang NTC, hindi totoo 'yun

boy: ganun ba? sorry kung nasaktan kita
nd: tito Boy, nagkekwento lang ako at totoo ang mga kwento ko

nd: ang talagang sumisira sa NAPAKAGANDANG PANGALAN ng NTC ay si...
boy: sino?

nd: si Petra...

nd: huhuhuhu

boy: at sino naman si Petra?
nd: dati ko po syang utusan, pero trinaydor nya ako at ang iba kong kaibigan

nd: pero ang pinakamali nyang ginawa ay ang magnakaw sa mga estudyante nya at sa mga kasamahan nyang guro...

nd: kaya ang buong clan ng mga mahilig... magbilang ay nadamay
nd: pumangit ang image namin (wow parang maganda ang image namin)

boy: ang sama-sama pala ni Petra

nd: tama po kayo. kaya napakasakit po, tito Boy. ako ang sinasabi nilang masama... hindi naman po ako magnanakaw tulad ni Petra. ang tanging nagawa ko lang po ay ang magsulat sa blog ko at pawang mga totoo po talaga ang mga sinusulat ko... huhuhuhu

boy: kris aquino, ikaw ba 'yan?

boy: nasa harap mo ang salamin, ano ang sasabihin mo kay Petra?
nd: may araw ka din...

boy: okay, maraming salamat NTCian Devil
nd: maraming salamat din, tito Boy

Ito ay bahagi ng pagdiriwang sa Petra Month! Happy Petra Month!