Tuesday, May 20, 2008

most outstanding teacher

and the nominees are

- social philosophy 2 titser

(sya nanaman, ang titser ko sa social philosophy 1. ang madaming baitang sa katawan. mas madalas na ang pagsakit ng ulo nya kaya meron syang kakaibang solusyon dito.)

- human growth and development titser

(malapit sakin si bintana at lagi ko syang pinagmamasdan kaya naman nabiktima ako ng titser na ito. para-paraan kasi ang titser na ito, kapag boring na ang klase ay maghahanap sya ng pagagalitan at mahihinto na ang klase at hindi na nga naman sya magtuturo. bravo. 'yun ang tinatawag na SMB o "style mo bulok"!)

- educational technology titser

(hindi pa man sikat noon si Simon Cowell dito sa Pinas ay meron na itong pinoy counterpart. kapag pangit ang nagawa mo, tyak mas nanaisin mo na lang na magtanim ng kamote sa probinsya. pero may kabaitan din naman ang matandang ito na minsan ay binansagan namin ni kolboy na Dao Ming Go. para daw kasi itong Taiwanese kapag nagsasalita.)

- personality development a titser

(lahat ng subject ko ay MWF lang, pero dahil sa tatanga-tangang encoder ay nagkaroon ako ng isang TTh. ito iyon. at dahil sixty pesos ang pag-drop ng subject ay hindi ko ito drinap at hindi ko na lang din ito pinasukan kaya naman UW ako dito.)

and the winner is

nasa San Sebastian na daw ngayon. at mabait na daw ang titser na ito dahil kung hindi sya magpapakabait doon, lagot sya kay San Sebastian. bwahahaha. Santo lang pala ang katapat nya!

kung nagtataka ka kung ano ba ang basehan para maging Most Outstanding Teacher, ito ang titser na laging nakatayo sa labas ng klasrum. madami sila pero sya ang most, kasi most of the time ay nagpapalipas oras, naghahanap ng lalaki o nakikipagtsikahan sa mga baklang estudyante nya sa labas ng klasrum. minsan nga naawa ako dahil ang tagal nya ng nakatayo sa labas kaya dinalhan ko sya ng mauupuan.

itutuloy...

No comments: