Tuesday, April 29, 2008

hindi lahat ng mura... sulit

entrance exam - P 150
tuition - P 9,480
insurance - P 15
library card - P 50
cpta - P 20
student government - P 20
fiat lux - P 25

total - P 9,760

kolboy: sa halagang P 9,760 ay makakaraos ka na ng isang sem.

nd: mura 'di ba?

kolboy: ang tanong... SULIT BA???

nd: oo naman.

nd: magagandang klasmeyt

nd: mga professional na guro

nd: mga mababait na staff

nd: maaayos na facility

nd: kumportableng classroom

nd: world class ang quality ng edukasyon

kolboy: at isang sinungaling na bata

nd: ako ba 'yun? bwahahaha

nd: bwahahaha

itutuloy...

Tuesday, April 22, 2008

bebot, bebot, bebot, beh

second sabdyek -
Siyensya ng Kamunduhan
(earth science)
isang lola ang naging guro ko dito.
sabi nya, mas gusto pa daw nya
na magtinda ng champorado
kaysa magturo sa mga estudyante nyang ewan.

third sabdyek -
Kwentuhang Barbero
(non-formal education)
ang naging guro ko dito ay ang unang babaeng barbero na nakilala ko.
balang araw ay may special post ako para sa mga kwentong barbero nya.
pero mabait naman syang guro kaya naaliw ako sa mga kwento nya.

fourth sabdyek -
Ang Nakaraan
(philippine history)
ano ang mas masakit, ang bumagsak sa subject mo
o ang bumagsak sa hagdanan?
kung hindi man naexperience bumagsak sa subject, naexperience naman ng guro ko ang bumagsak sa hagdanan.
buti na lang at hindi sya buntis nuong nangyari iyon.

fifth sabdyek -
Takutan at Tambayan
(social philosophy 1)
ayoko syang siraan sa blog ko kasi naging mabait naman sya sakin.
halos mamatay lang naman ako sa takot tuwing recitation.
kung magiging guro mo sya, bigyan mo lang sya ng Advil.
takutan kapag present sya, tambayan kapag absent o masakit ang ulo nya.

sixth sabdyek -
Walang Tulugan
(pagbasa at pagsulat)
natatandaan kong naasar sya sakin dahil masyado akong honest.
pinagkoment nya kasi ako, nagsabi lang ako ng totoo, naasar sya.
ganun ata talaga ang mga babaeng guro.
ang koment ko ata na kinagalit nya ay nakakaantok ang oras ng sabdyek nya.

seventh sabdyek -
Kaartehan 101
(art education)
ang gumawa ng parol.
iyon ang tanging naaalala ko sa sabdyek na ito.
kahit ang babae kong guro ay 'di ko na maalala.
dito ko din nakilala ang dalawa kong bagong friend:
sina Kulotboy at UPgirl!

last sabdyek -
Pagtsismisan ang Buhay ni Rizal
(rizal)
naging girlfriend ata ni Jose Rizal ang teacher ko sa sabdyek na ito.
kaya alam na alam nya ang buhay ni idol.
hindi ko sigurado kung sya ang record holder sa pagiging pinakamatanda sa NTC.

sila ang pito sa mga bebot ng The National Teachers College.

eight subjects ako sa isang araw.
kaya MWF lang ang pasok ko noon.
ang galing 'di ba?

after five months...
sulit ba ang unang semester ko?

itutuloy...

Tuesday, April 15, 2008

mabunga... beware!

pers day
pers sabdyek

nalaman ko din kung ano ang ibig sabihin ng

"MABUNGA... BEWARE!"

si mabunga pala ay isang tao
at sya ang naging una kong guro sa
The National Teachers College

pambihira!
ano ba itong napasukan namin ni kolboy,
bat parang mga DH ang mga tao dito???
oo. tama ang nabasa mo.
DH
D for Domestic
at
H for Helper

mga mukang longkatuts
oy may nasasaktan!

balik kay Mabungz...

sya pala ang unang guro na nagalit sakin sa NTC
paano ba naman, kung hindi late, absent kami ni kolboy

minamaliit daw namin ang subject nya

kolboy: hindi naman masyado, malayo lang talaga ang pasig
nd: plastik, minamaliit mo naman talaga, hahaha

at dahil minaliit namin ang subject nya,
sa kaniya namin unang na-experience ang "C"
hanep sa resbak di ba???
eh sa mas magaling naman talaga kami ni kolboy
kesa sa kanya, tapos titirahin kami sa grade

tama ba 'yun?

itutuloy...

Tuesday, April 8, 2008

60 minutes

sa loob ng 60 minutes ay naka-enroll ka na

ayaw mong maniwala? eto...

"bumalik na lang kayo bukas, sarado na kami."

nd: kaw kasi, bat hapon na tayo nagpunta?
kolboy: malay ko bang hindi sila bukas 24 oras.
nd: balik pa ba tayo bukas?
kolboy: oo, mag-enroll ka na din para may kasama ko.
nd: bat kelangan mo pa ng kasama?
kolboy: baka marape ako dito.
nd: mag-HRM kaya ako?
kolboy: The National Teachers College nga! Tapos mag-HRM ka?
nd: may HRM din naman sila di ba?
kolboy: para lang yun sa mga hindi nakakapasa sa entrance exam.
nd: ah, bagsakan pala yun ng bagsak, ano?
kolboy: bat ba puro ka tanong?
nd: talaga? puro tanong ba ako?

kinabukasan, 9:59 am

"o eto mag-entrance exam kayo"

nd: ok.

10:29

nd: tapos na...

"okay pasado kayo. kumuha kayo ng checklist sa 1st floor, mamili ng subject sa 3rd floor, magpa-encode sa 4th floor, magbayad sa 1st floor, magpatatak sa mukhang nurse, magpa-ID, ibigay sa window 2 yun registration form, tapos umuwi na kayo."

nd: pasado? sayang naman. gusto ko pa namang mag-HRM!

10:31

checklist man: course?
kolboy: BSED, dalawa
checklist man: double course ka, iho?
nd: tanga...

10:41

kolboy: o kopyahin mo na lang to para pareho tayo ng mga subject.
nd: ano? magkaklase pa tayo?

10:46

encoder: ano pangalan mo?
nd: hindi ka ba marunong magbasa? nakasulat na nga sa checklist!

10:48

nd: ikaw ba yun nurse?
nurse: hindi ba halata?
nd: hindi

10:51

id girl: smile
CLICK
id girl: tapos na, balikan mo na lang sa pasukan. next...

10:58

window 2: okay na, uwi na kayo, balik na lang kayo sa pasukan...

10:59

kolboy: ayos di ba? 60 minutes lang enrolled ka na.
nd: ang galing pala dito sa ntc...

kolboy: oh no! ano yun nakatatak sa noo mo?
nd: bakit? ano yun?
kolboy: may nakasulat na "MABUNGA... BEWARE!"
nd: naku! ano kaya ang ibig sabihin nito???

itutuloy...

Tuesday, April 1, 2008

dito nag-umpisa ang lahat...

five years ago...

kolboy: samahan mo ko.
nd: san?
kolboy: sa ntc.
nd: ha? ano yun?
kolboy: skul yun.
nd: talaga? san yun?
kolboy: sa kyapo.
nd: mag-aaral ka?
kolboy: oo.
nd: bakit?
kolboy: gusto kong maging titser.

sa recto...

nd: malayo pa ba?
kolboy: lapit na. bilang ka isang daan.

nasa 94 na ang bilang ni nd...

nd: 95?
kolboy: kita
nd: 96?
kolboy: mo
nd: 97?
kolboy: yun
nd: 98?
kolboy: orasan?
nd: 99?
kolboy: ha?
nd: 100?
kolboy: nandito na tayo!

manong guard 1: Welcome to The National Teachers College!
manong guard 2: In just four years...
manong guard 1: ...you'll be equipped with knowledge...
manong guard 2: ...that will help you become an effective teacher.

kolboy: ah. ok.

manong guard 1: But wait there's more!

nd: nagmamadali kami, brad.

itutuloy...