Tuesday, April 22, 2008

bebot, bebot, bebot, beh

second sabdyek -
Siyensya ng Kamunduhan
(earth science)
isang lola ang naging guro ko dito.
sabi nya, mas gusto pa daw nya
na magtinda ng champorado
kaysa magturo sa mga estudyante nyang ewan.

third sabdyek -
Kwentuhang Barbero
(non-formal education)
ang naging guro ko dito ay ang unang babaeng barbero na nakilala ko.
balang araw ay may special post ako para sa mga kwentong barbero nya.
pero mabait naman syang guro kaya naaliw ako sa mga kwento nya.

fourth sabdyek -
Ang Nakaraan
(philippine history)
ano ang mas masakit, ang bumagsak sa subject mo
o ang bumagsak sa hagdanan?
kung hindi man naexperience bumagsak sa subject, naexperience naman ng guro ko ang bumagsak sa hagdanan.
buti na lang at hindi sya buntis nuong nangyari iyon.

fifth sabdyek -
Takutan at Tambayan
(social philosophy 1)
ayoko syang siraan sa blog ko kasi naging mabait naman sya sakin.
halos mamatay lang naman ako sa takot tuwing recitation.
kung magiging guro mo sya, bigyan mo lang sya ng Advil.
takutan kapag present sya, tambayan kapag absent o masakit ang ulo nya.

sixth sabdyek -
Walang Tulugan
(pagbasa at pagsulat)
natatandaan kong naasar sya sakin dahil masyado akong honest.
pinagkoment nya kasi ako, nagsabi lang ako ng totoo, naasar sya.
ganun ata talaga ang mga babaeng guro.
ang koment ko ata na kinagalit nya ay nakakaantok ang oras ng sabdyek nya.

seventh sabdyek -
Kaartehan 101
(art education)
ang gumawa ng parol.
iyon ang tanging naaalala ko sa sabdyek na ito.
kahit ang babae kong guro ay 'di ko na maalala.
dito ko din nakilala ang dalawa kong bagong friend:
sina Kulotboy at UPgirl!

last sabdyek -
Pagtsismisan ang Buhay ni Rizal
(rizal)
naging girlfriend ata ni Jose Rizal ang teacher ko sa sabdyek na ito.
kaya alam na alam nya ang buhay ni idol.
hindi ko sigurado kung sya ang record holder sa pagiging pinakamatanda sa NTC.

sila ang pito sa mga bebot ng The National Teachers College.

eight subjects ako sa isang araw.
kaya MWF lang ang pasok ko noon.
ang galing 'di ba?

after five months...
sulit ba ang unang semester ko?

itutuloy...

No comments: